Balitanghali Express: December 12, 2024



Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, Disyembre 12, 2024:

– Dating ACT Theater building sa Cubao, nasunog; 1 sugatan,2 nahirapang huminga

– 5, sugatan sa sunog sa Brgy. Tandang Sora; 18 bahay, natupok

– Pagdedeklara ng state of calamity sa Negros Occidental kasunod ng pagputok ng Mt. Kanlaon, tatalakayin

– PAGASA – Ilang panig ng Davao Region, binaha dahil sa Easterlies

– 34 na Chinese National na nasangkot sa mga POGO hub sa Pilipinas, ipina-deport ngayong araw

– Dept. of Agriculture – Dapat ibalik ang kapangyarihan ng NFA na bumili at magbenta ng bigas para mapababa ang presyo nito

– Security guard, patay matapos magulungan ng trailer truck/

– Suspek sa panloloob sa mga bahay sa Batangas at Laguna, arestado; pickup na ninakaw umano, ginamit pa sa pamamasyal

– 2 lalaki, arestado dahil sa pagnanakaw umano sa 2 motorsiklo

– 3, sugatan matapos sumalpok sa truck ang sinasakyan nilang van/ Motorsiklo at tricycle, nagkabanggaan sa intersection

– Truck, nahulog sa gilid ng kalsada matapos makatulog ang driver

– Sofronio Vasquez, first Asian na nanalo sa “The Voice USA”

– Alice Guo, hinihintay ang desisyon ng Pasig RTC sa petisyon niyang makapagpiyansa sa kasong qualified human trafficking

– POGO hub sa Kawit, Cavite, ininspeksyon; ipasasara sa Dec. 15, ayon sa DILG/ PAOCC: Mga mag-o-operate na Internat Gaming Licensees at Service Providers na walang lisensya, huhulihin/ Mahigit 100 “rogue POGO,” tinitignan ng PAOCC/ DILG: Mahigit 1,000 Foreign POGO workers, hindi pa nagpapa-downgrade ng visa

– Lalaking 33-anyos, arestado sa pagbebenta umano ng marijuana at marijuana oil/ Mag-ina, patay matapos pagbabarilin ng live-in partner ng ina

– Eroplano ng BFAR na maghahatid ng pamasko sa Pag-asa Island, nakatanggap ng radio challenge ng China

– Ilang resort at tourist destination, tigil-operasyon muna kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon/ Mga alagang hayop, apektado rin; walang makaing damo dahil sa pagkalat ng asupre/ Assessment sa mga apektadong hayop sa lugar, isasagawa ng City Veterinary Office/ Ilang residente sa labas ng danger zone na lumikas, pinauwi na

– P6.352T budget para sa 2025, ratified na ng Kongreso/ Budget para sa AKAP, ibinalik at ibinaba sa P26B; PhilHealth subsidy, inalis sa bersyon ng BiCam

– Mahigit 36,000 households sa Siargao at Bucas Grande Islands, halos 2 linggo nang walang kuryente

– Jesi Corcuera, isinilang na ang kanyang baby girl

– Basketball players mula sa iba’t ibang collegiate league, nagsama-sama para sa 1st CHED All-Star Basketball Friendship Games/ NCAA All-Stars, panalo laban sa team ng UAAP sa exhibition game sa score na 105-97/ National Tertiary Games sa pagitan ng iba’t ibang kolehiyo sa bansa, pinaplano ng CHED

– MWSS – May dagdag-singil sa tubig sa pagpasok ng 2025/ MWSS: Pinayagan ang dagdag-singil para mapondohan ang mga programa para matiyak ang sapat at malinis na water supply/ MWSS: Discount para sa lifeline consumers, dinagdagan

– Pagnanakaw sa nakatulog na customer ng isang kainan, nahuli-cam; cellphone ng biktima, natangay/ Bagong-silang na sanggol, natagpuan sa damuhan/ Persons Deprived of Liberty sa Cagayan De Oro City Jail, isinailalim sa random drug testing

– ASEC. RAFFY ALEJANDRO IV, OFFICE OF CIVIL DEFENSE | Pagdedeklara ng state of calamity sa Negros Occidental kasunod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon, pinag-aaralan ng LGU

– House Quad Comm Lead Chairman Barbers: Napatunayan na may rewards system noong War on Drugs/ Pagbabawal sa POGO, gawing heinous crime ang EJK, at mabilis na kanselasyon ng pinekeng birth certificates, ilan sa mga inihaing panukala ng Quad Comm/ Mga nagpapakalat umano ng maling impormasyon tungkol sa Quad Comm, binatikos

– VP Sara Duterte, hindi pa rin humarap sa NBI; hindi raw umaasa sa patas na imbestigasyon/ NBI, tiniyak na magiging patas sila sa imbestigasyon kay VP Duterte/

VP Duterte, hindi raw pinagsisisihan ang mga sinabi tungkol kay PBBM, sa First Lady at sa House Speaker/

VP Duterte, hindi raw tatanggap ng kapalit sakaling may alisin uli sa kanyang security/ VP Duterte, handa raw harapin ang mga impeachment complaint at mga kasong isasampa sa korte/ VP Duterte, naniniwalang may kinalaman sa Eleksyon 2028 ang imbestigasyon sa Confidential Funds ng OVP at DepEd/ 2 panukalang batas para sa regulasyon ng Confidential Funds, inihain sa Kamara

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

source

Write a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *