Balitanghali: March 4, 2024



Narito ang mga maiinit na balita sa Balitanghali nitong Lunes, March 4, 2024:

-Hinihinalang snatcher, hinabol ng mga pulis at taumbayan

-Oil price adjustment

-BFAR: Dumami ang supply ng isda dahil tapos na ang closed fishing season/ Mas mataas na demand sa isda, inaasahan habang papalapit ang Holy Week

-Ilang sakahan sa Aurora, natutuyo na dahil sa mainit na panahon

-Weather

-Lalaking nanloob umano sa isang apartment unit, arestado; tinangay na laptop at charger, nabawi/ Suspek na nanloob umano sa isang apartment unit, walang pahayag

-PHL Sambo Team, wagi ng 3 gintong medalya sa 2024 Dutch Open Int’l Sambo Tournament

-2 bisikleta at isang helmet na aabot sa P100,000, ninakaw

-Colorum van na dati nang nasita, nahuling bumibiyahe pa rin gamit ang pekeng plaka/ Paliwanag ng driver sa DOTR sa paggamit ng pekeng plaka, kailangan niyang bumiyahe para kumita

-David Licauco, ibinahagi ang experience bilang certified Swiftie sa Sydney Leg ng “The Eras” Tour

-“Lilet Matias: Attorney-at-Law,” mapapanood na simula ngayong araw sa GMA Afternoon Prime

-PHL Navy: 2 research survey vessels ng China na namataan sa Philippine Rise, nakalabas na ng PHL Exclusive Economic Zone/ Dumami ang Chinese Maritime militia vessels sa WPS, batay sa monitoring ng Asia Maritime Transparency Initiative

-Rider ng motorsiklo, patay matapos sumalpok sa nakaparadang truck/Karpintero, sugatan matapos makuryente habang may inaayos sa tanggapan ng BFP

-Leonardo Montemayor, Chairman, Federation of Free Farmers: Mga natuturo at nasisirang taniman sa ilang rehiyon dahil sa El Niño, patuloy na nadaragdagan/ Department of Agriculture, may inilaang credit at insurance assistance sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño

-PBBM, humarap sa mga businessman sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit/14 kasunduan, pinirmahan ng Pilipinas at Australia/ Pagpapalakas ng trade, flight connections at defense, tinalakay sa bilateral meeting ni PBBM at Cambodian Prime Minister Hun Manet

-Hinihinalang snatcher, hinabol ng mga awtoridad/ Bag at 2 cellphone, narekober mula sa hinihinalang snatcher/ Suspek, iginiit na isinangla sa kanya ang cellphone at hindi niya ninakaw

-Unang All-Women Team sa Southeast Asia na nakarating sa tuktok ng Mt. Everest, kinilala

-Jaclyn Jose, pumanaw sa edad na 60

-P5.3M halaga ng cocaine, natagpuan sa container na palutang-lutang sa dagat/SUV, bumaligtad matapos bumangga sa barrier; driver, nakaidlip umano

-DILG Sec. Abalos, kakausapin ang mga alkalde ng Makati City at Taguig kasunod ng pagpapasara ng Makati Park and Garden

-Final Four ng NCAA Season 99 Juniors Basketball Tournament, kompleto na

-Job opening

-GMA Network Inc., kabilang sa partner in Empowerment, Advocacy and Commitment to Excellence o Peace Honorees ng MetroBank Foundation

-Iba’t ibang klase ng isda, ipinapalit sa basura sa Brgy. Sto Niño, Quezon City

-43 pasahero, nailigtas mula sa lumubog na bangka; nawawalang sanggol, patuloy na hinahanap

-“I am… Of course…,” bagong online trend sa pagpapakilala

-Pinoy cue artist Carlo Biado, kampeon sa 2024 WPA Predator World 10-Ball Championship

-Aso na sinusubuan ng kanyang amo gamit ang kutsara, kinaantigan ng netizens

For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 10:30 AM (PHL Time).

source